Header Ads

Breaking News
recent

Andanar sa pagpunta ni Trillanes sa Estados Unidos: Huwag ka nang bumalik



Nitong nakaraang araw ay lumipad si senator Antonio Trillanes patungong Amerika upang makipagpulong sa mga matataas na opisyal ng gobyerno sa Estados Unidos.
Ayon sa report ng philstar.com, isang staff ni senator Trillanes ang nagsabi diumanong paguusapan sa Estados Unidos ang karapatang pantao sa pilipinas at susubukan din diumano ng senator na pigilan ang Presidente ng United States (US) na si Donald Trump upang hindi ito matuloy sa nalalapit na pagbisita sa Pilipinas para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
Ganunman, agad namang itinanggi ng senador ang kumalat na balitang hinaharang nito si Trump na bumisita sa bansa.

Ayon sa senador, pinlano ng mabuti ang pagbisita ni Trump sa Pilipinas kaya't hindi basta-basta ito mapipigilan lamang ng suhestyon mula aniya sa isang senador ng Pilipinas.

Ayon pa sa senador, hindi naman agad-agad maniniwala at magpapaloko ang bansang Amerika lalo na't alam ng naturang bansa ang totoong nangyayari sa Pilipinas.

Ganunman, Ayon naman sa pahayag ng Malacañang tungkol sa lumabas na isyu na nais ni Trillanes na pigilan si Trump sa pagbisita nito sa Pilipinas, hindi umano uubra ang pambobola ng senator sa Amerika. Ito ang inihayag ni PCOO o Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Ayon sa kalihim, hindi aniya mangmang ang mga Kano para hindi malaman ang pagkakaiba ng tama sa mali kaya’t kumpiyansa silang hindi uubra ang anumang balak ng Senador.

Ngunit nilinaw ni Andanar na hindi naman nila pipigilan ang anumang nais gawin ni Trillanes sa Amerika at sinabi nitong maaaring huwag na itong bumalik pa sa Pilipinas.



***


Source:  philstar.com, dwiz882am.com

No comments:

Powered by Blogger.