Duterte hindi iiwasan ng mga investors ayon sa dating Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad
Nito lamang nakaraang araw ay bumisita sa bansa ang dating Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad kasama ang kanyang asawa Dr. Siti Hasmah binti Haji Mohamad Ali para maging guest sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX).
Sa kanyang pagbisita, sinabi nito na walang epekto sa mga foreign investment ang pakikipag-away ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations pati na rin sa European Union.
Mariin ring sinabi ng dating Malaysian Prime Minister na nasa bansa ang mga negosyante upang kumita ng pera at wala silang pakialam sa pulitika.
May mahalaga umano sa mga investors ang katatagan ng ekonomiya at ang kanilang kaligtasan at hindi nila pinapansin ang mga isyung pulitikal.
Sa magkaparehas na media briefing, ayon kay Wallace Business forum Founder Peter Wallace na walang magiging problema at sanay ang mga negosyante sa istilo ng pamamahala at pananalita ni Pangulong Duterte.
Igiit nito na patuloy pang magdadagsaan ang mga businessman sa bansa upang maginvest.
Alam din umano ng mga investors na ang mga sinasabi ng chief executive ay hindi naman nangangahulugan na bahagi na ito ng polisiya ng pamahalaan.
Mapagaalamang binuweltahan ng Pangulo ang U.N at European Union dahil umano sa pakikialam ng mga ito sa mga isyung kinakaharap ng Pilipinas.

***
Source: Radyo Inquirer
No comments: