Duterte noon pa lumagda sa bank waiver - Presidential legal adviser
Ayon sa naging pahayag ng President legal adviser ni Pangulong Rordigo Duterte na si Salvador Panelo, matagal ng lumagda sa waiver ang pangulo upang patunayan na walang katotohanan ang multi-bilyong bank account nito.
“Matagal nang sinasabi ni [Senator Antonio] Trillanes ‘yan eh, nag-execute nang waiver si Presidente noong Mayo pa of last year at napatunayan doon sabi ng BPI (Bank of the Philippine Islands), ng bangko na wala siyang ganung pera labinglimang libo lang ang pera niya at that time,” sabi ni Panelo.
“Pangalawa, alam niyo si Presidente abogado, ang abogado kasi ‘pag tumingin ka sa batas, sinusunod mo yung prinsipyo, sinasabi sa batas kung sino yung nag-aakusa, siya ang dapat mag-apruba, he has to prove, lahat sila magpruweba hindi pupwede yung mag-aakusa sila pagkatapos kukuha sila ng ebidensiya doon mismo sa inaakusa nila, hindi naman pupwede ‘yon,” dagdag pa ni Panelo.
Kamakailan ay naglunsad ang grupong Tindig Pilipinas ng signiture campaign upang hilingin kay Duterte na lumagda sa isang bank waiver.
Kamakailan ay naglunsad ang grupong Tindig Pilipinas ng signiture campaign upang hilingin kay Duterte na lumagda sa isang bank waiver.
“We, the Filipino people, call on President Duterte to sign the waiver on the secrecy of bank deposits. We deserve a transparent and accountable leader,” nakasaad sa petisyon ng Tindig Pilipinas.
Ayon sa presidential adviser, hanggang ngayon ay valid parin ang nilagdaang special waiver ng Pangulo noong nakaraang taon.
“Meron na nga siyang waiver na valid and binding pa nga yung kanyang waiver. Kung ako yung pumirma nung waiver, pwede pa rin ‘yon. Nangungulit lang sila, wala na kasing issue,” giit pa ng presidential legal adviser.
“Alam mo, gaya nung rating niya, 80 porsyento pa rin, ang naging pagbagsak lang ng sinasabing satisfaction rating ay ‘yun ay ang sentimiyento ng tao dahil sa pagkapaslang sa tatlong teenagers. More on against the PNP yon rather than the President,”
***
Source: philstar.com
No comments: