‘MAGHANDA NA KAYO’ | Roque, may banta sa mga kritiko ni Pres. Duterte
MANILA, Philippines – Nagbanta si incoming Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mga setting ng post Mga Tatak Featured Na-publish noong 10/26/17, 2:35 PM Philippines Time Permalink Lokasyon Mga mapagpipilian
Sa panayam ni PCOO Asec. Mocha Uson, sinabihan ni Roque Roque na maghanda na ang mga naninira sa pangulo.
“’Yung mga walang hiya diyan na mga naninira lamang: Kung dati-rati e hindi kayo nababato bagama’t kayo’y nambabato, ngayon po, maghanda na kayo dahil ‘pag kayo’y nambato, hindi lang po bato ang itatapon ko sa inyo, hollow blocks,” sabi ni Roque.
Mayroon din siyang mensahe sa mga bumabatikos sa kanya.
“‘Yung mga bumabato sa akin ngayong ganto kaaga pa lang: mamatay kayo sa inggit,” sabi ni Roque.
Sa susunod na linggo, November 6 pa dapat mag-uumpisa sa trabaho si Roque pero kasama na siya ng pangulo ngayon sa mga opisyal na delegado sa Japan.
Pinag-aaralan na rin niya ang bagong trabaho. Mayroon daw dalawang utos sa kanya ang pangulo.
“Two things. Do what is right and do not lie. Just say the truth. I will stick to that marching orders,” sabi ni Roque.
source: news5
No comments: