Veteran radio host to Duterte: “No way! Do not resign Mr. President”
Sa isang opinyon article ng Remate.ph, nagbigay ng mensahe ang beteranong Radio Host ng PBS RADYO NG BAYAN 738 KHZ AM na si ED Dan Verzola kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Verzola, inamin nito ang sobrang paghanga sa Pangulo bilang isang totoong leader ng bansang Pilipinas.
“MR, PRESIDENT, I admire you for being too honest and truthful to your leadership. Alam ng mayorya ng Sambayanang Filipino na tama ang inyong ginagawa. Alam ng mamamayan na totoo ang inyong liderato at paglilinis sa nabubulok na sistema sa ating lipunan,” sabi ni Verzola.
Sinabi ni Verzola na tutol siya sa sinasabi ni Duterte na magbibitiw siya bilang Pangulo ng Pilipinas.
Inamin din nito na tutol siya sa pagtatangkang pabitiw si Duterte bilang Pangulo.
"Kaya naman, ako po mismo ay tutol na tutol sa sinasabi ninyo na handa kayong magbitiw bilang Pangulo na para bang gusto ninyong pagbigyan ang kaululan ng oposisyon sa inyong liderato."
"NO WAY, President RODY. Me as a taxpayer, together with my family, clan and so many friends whom I called for to vote for you last election never agree with your plan to resign from your presidency with Conchita and Maria Lourdes."
"Malaki ang inyong pananagutan sa mahigit na 16 na milyon na bumoto sa inyo. Sa mahigit na isang taon, tumaas pa ang paniniwala ng mamamayan sa inyong liderato."
Sinabi rin nito kapag nagbitiw ni Pangulong Duterte at papalin ang vice president na si Leni Robredo ay babalik ang kapangyarihan ng Liberal party na kilala bilang tiwali at korap ng gobyerno.
"Just imagine if ever na aalis kayo bilang Pangulo, eh, ‘di uupo si Leni Robredo. Sa kanyang pag-upo, natural na palitan niya lahat ang mga iniupo ninyo na opisyal at pababalikin sa kapangyarihan ang kanyang mga kapartido mula sa Liberal Party, mga kaalyado at mga kakampi na kilala bilang mga tiwali at korap sa gobyerno."
"No way it will happen, MAYOR DIGONG! Tatayo kami. Mag-oorganisa kami. Lalabanan namin ang posibleng pagbabalik ng mga dilawan dahil lang sa inyong hamon ng pagbibitiw! Magkamatayan na!"
***
Source: Remate
No comments: